
Upang maiwasan ang anumang insidente ng krimen at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad, nagsagawa ng Police Presence at Business Establishment Visitation ang mga tauhan ng kapulisan sa Sta. Barbara, Pangasinan.
Layunin nito ang pagpapatibay ng police visibility sa lugar bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng kapulisan laban sa kriminalidad.
Sa nasabing pagbisita, pinaalalahanan ng mga pulis ang mga may-ari ng negosyo, mga empleyado, at mga residente na manatiling mapagmatyag at makipagtulungan sa mga awtoridad.
Hinikayat din ang publiko na agad iulat sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya ang anumang kahina-hinalang gawain upang ito ay agarang maaksyunan.
Tiniyak ng kapulisan ang kanilang patuloy na presensya at pagbabantay sa lugar bilang bahagi ng kanilang tungkulin na pangalagaan ang kaligtasan at seguridad ng mamamayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









