Mas pinaiigting pa ang presensya at bisibilidad ng kapulisan sa Dagupan City na bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na National and Local Elections (NLE) sa darating na May 12, 2025.
Ito ay upang matututukan ang posibleng kaso ng anumang election-related incidents tulad ng vote-buying, kaguluhan, maging pandaraya sa panahon ng botohan.
Nagsasagawa rin umano ng dayalogo ang himpilan sa mga komunidad upang maibahagi sa mga residente ang ilang mga kaalamang nakapaloob sa halalan.
Samantala, nakadeploy naman umano ang karamihan sa mga police personnels sa mga lugar na may higit na tsansang kasangkutan ng kaguluhan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments