PRESENT BUSINESS WORKSHOP, INILUNSAD SA BAYAN NG ECHAGUE

CAUAYAN CITY – Katuwang ang DTI Region 2 – Isabela, naglunsad ng Poverty Reduction through Social Entrepreneurship (PRESENT) Business Workshop ang LGU Echague sa Skybox Banchetto 1, LGU Compound, Echague, Isabela.

Dinaluhan ito ng 54 na mag-aaral galing sa iba’t ibang paaralan sa nasabing bayan.

Sa nasabing aktibidad ay ibinida ng mga kalahok ang kanilang innovative business ideas na makakatulong upang mabigyan ng pansin ang problemang kinakaharap pagdating sa socio-economic na aspeto ng isang lugar.


Layunin ng workshop na maturuan at mahikayat ang mga estudyante sa larangan ng pagnenegosyo.

Facebook Comments