Ikinokonsidera ng Department of National Defense na National Security Risk ang presensya ng dalawang survey ship ng China sa Philippine Exclusive Economic Zone nitong Martes.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, hindi alam o walang natanggap na impormasyon ang DND sa ginawang umano’y marine scientific research ng dalawang survey ship ng China.
Hindi rin nila alam kung marine scientific research talaga o pagsu-surveillance na ang ginagawa ng China sa area, dahil kung surveillance na raw ang ginagawa ng mga ito, maituturing na itong National Security Risk.
Inamin ng kalihim na walang kapabilidad ang Pilipinas na alamin kung ano ang ginagawang ng dalawang survey ship sa area
Ang magagawa lamang nilang ngayon ay magprotesta sa China partikular tanungin ang kanilang ginagawa sa Philippine Exclusive Economic Zone.