Presenya ng wildlife sa CALABARZON, tumaas – DENR

Nakakatanggap ng mga ulat ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na tumataas ang insidenteng may namamataang wild animals sa CALABARZON Region bunsod ng ipinapatupad na lockdown dahil sa coronavirus pandemic.

Ayon kay DENR Sec. Roy Cimatu, nabawasan ang human activity dahil sa quarantine na nagdulot naman ng magandang epekto sa kalikasan at biodiversity.

Sinabi ni Cimatu na ayon sa mga wildlife experts, nagiging komportable ang mga hayop na tuklasin ang natural spaces lalo na at kung kakaunti ang mga tao sa lansagan at iba pang public areas.


Pinapayuhan ni Cimatu ang publiko na huwag gambalain ang mga wild animals at hayaan na ang mga ito, maliban na lamang kung sila ay may sakit o nasugatan at mga willdlife experts na ang mag-aalaga sa mga ito.

Paalala ng DENR na ang possession, transportation at importation ng wild animals ay nire-regulate sa ilalim ng Republic Act 9147 o Wildlife Conservation and Protection Act of 2001.

Facebook Comments