Binigyang-diin ang kahalagahan ng preserbasyon ng mga pamanang kultural sa pagdiriwang ng ika-25 Vigan City Fiesta at Longganisa Festival na ginanap sa pamamagitan ng makulay na Grand Parade kahapon, Enero 25, 2026.
Naging tampok sa selebrasyon ang mga malikhaing float at masiglang pagtatanghal ng mga marching band mula sa iba’t ibang paaralan, habang namahagi rin ng kendi ang ilang grupo sa mga manonood.
Aktibong lumahok ang Pamahalaang Panlalawigan ng Ilocos Sur sa pagdiriwang, kasama ang mga kinatawan mula sa lokal at pambansang ahensiya ng pamahalaan, civil society organizations, at mga katuwang na institusyon.
Ayon sa mga opisyal, layunin ng pagdiriwang na ipakita ang pagtataguyod at pangangalaga sa mayamang pamana, kultura, at tradisyon ng Vigan City bilang tahanan ng isang kinikilalang UNESCO World Heritage Site.








