Presidenital Communications Operations Office, patuloy na pinalalakas ang pagpapakalat ng impormasyon sa mga lalawigan

118

Manila, Philippines – Ibinida ngayon ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na magiging mas malakas na ang information dissemination ng Pamahalaan sa Siargao, Surigao del Norte.
Ito ay matapos pangunahan ni Andanar ang paglulunsad ng kauna-unahanag Provincial Communications Officers Network sa rehiyon.
Layon nitong mapagisa ang lahat ng information officers para maging mas madali ang pagpapakalat ng impormasyon sa mamamayan mula sa Pamahalaan.
Gusto kasi ni Andnar na maibigay ng mas mabilis at tama ang mga impormasyon na ginagawa ng Duterte Administration sa pamamagitan ng mas malakas na Presidential Communications Operations Network.
Matatandaan na isa sa mga tinututukang programa ng Administrasyon at ng PCOO ay ang pagpapalakas ng komunikasyon ng Gobyerno patungo sa mamamayan at mamamayan patungo sa gobyerno sa pamamagitan ng pagpapaganda ng mga kagamitan ng pamahalaan sa TV, radio at ganon din ang paggamit ng Social Media.

Facebook Comments