President Duterte, na-starstruck kay Kim Chiu

38

Sa isang Labor Day event sa Cebu City noong May 1, nag-host si Kim Chiu kasama ang aktor na si Tom Rodriguez kung saan panauhing pandangal si Pangulong Duterte.
Habang nagtatalumpati tungkol sa Executive Order 51 na ipinapatigil ang contractual employment o “Endo” (end of contract), napatigil ang Presidente at tinanong kung si Kim ba ang host. Pahayag niya, “Pero siya man na, si Kim Chiu? Ikaw ‘yan, Ma’am? Di, niingon ko ‘guwapa ka.’ Asa nga ko?” (Siya ba ‘yan, si Kim Chiu? Ikaw ‘yan, Ma’am? So, sabi ko ‘ang ganda mo.’ Asan na nga ako?)
Ibinahagi naman ng aktres ang kanyang kagalakan sa isang Instagram post kasama ang larawan nila ng Pangulo.

Facebook Comments