President Duterte, Personal na Bibisitahin ang mga Biktima ng Lindol sa Batanes

Inaasahan ngayong umaga ay tutungo sa lalawigan ng Batanes si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kasunod ng nangyaring lindol sa bayan ng Itbayat ng nasabing probinsya.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Spokesperson Salvador Panelo, inaasahan ang pagdating ng Pangulo sa Batanes bandang bago mag alas-11 ngayong umaga.

Personal na aalamin ng Pangulong Duterte ang lagay ng mga apektadong residente na tinamaan ng lindol, at kung ano pa ang mga pangangailangan ng mga biktima na nilikas sa kasalukuyan sa Town Plaza ng nasabing bayan.


Umabot sa kaalaman ng pangulo na kailangan ng mga naapektuhan ng kalamidad ang tents, pagkain na gaya ng biscuits o tinapay para pantawid gutom, portable generators at maiinom na tubig.

Ang bayan ng Itbayat ang iniulat na grabeng naapektuhan ng malakas na pagyanig sa isla ng Batanes.

Nakapagtala ang PDRRMC Batanes ng 8 ang nasawi sa naturang trahedya at umaabot na 100 katao ang nasugatan at ilan sa kanila dito ay nasa malubhang kalagayan dahil sa natabunan sila ng mga semento o bato mula sa kanilang tinitirhan.

Facebook Comments