President-elect Bongbong Marcos, hinamon na tuldukan ang problema sa vegetable smuggling mula sa China

Hinamon ng ilang grupo si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na bigyang solusyon ang pagbaha sa bansa ng mga imported na gulay mula sa China.

Ayon kay Anakpawis Party-list National President Ariel Casilao, ang problemang ito na pumapatay sa kabuhayan ng mga vegetable farmers ang isa sa mga dapat na pangunahing agenda ni Marcos sa pag-upo bilang kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura.

Sa nasabing problema rin aniya masusubok kung talagang may malasakit si BBM sa mga magsasaka sa harap na rin ng deklarasyon nito ng friendly relations sa bansang China.


Punto pa nito, ang interes ng mga magsasaka ang dapat na prayoridad ng gobyerno.

Pinaboran din ni Casilao ang hakbang ni Senate President Tito Sotto III nang isumite nito ang umanoy listahan ng mga sangkot sa agricultural smuggling para maaksiyunan ng incoming BBM administration.

Facebook Comments