Itinuturing ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., bilang Philippines’ strongest partner ang China.
Sa Award for Promoting Philippines-China Understanding, sinabi ni Marcos na hindi mapagtatagumpayan ng Pilipinas ang post-pandemic kung hindi sa tulong ng ibang nasyon tulad ng China.
Binigyang-diin ni Marcos na sa kooperasyon at komunikasyon, ang samahan sa pagitan ng Pilipinas at China ay mas lalo pang lumakas sa paglipas ng taon
Nakikita aniya ang kinabukasan ng Pilipinas at China sa pag-ulad sa maraming aspeto, hindi lamang sa negosyo kundi pati sa government-to-government, o public and private partnerships.
Una na ring sinabi ni Marcos na ipagpapatuloy nito ang independent foreign policy ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang posisyon ng bansa sa relasyon nito sa Beijing.