Nagtalaga na ng mga karagdagang kalihim ng kanyang gabinete si President-elect Ferdinand Marcos Jr.
Sa isang press conference sa ilang piling miyembro ng Media, tinukoy ni Marcos sina:
• Department of Finance – Benjamin Diokno
• Bangko Sentral ng Pilipinas – Dr. Felipe Medalla
• Department of Trade and Industry – Fred Pascua
Si Manuel M. Bonoan na president at CEO ng SMC tollways ay magiging kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Matapos ang kaniyang proklamasyon, nangako si Marcos na una niyang haharapin ang ekonomiya gaya ng paglikha ng trabaho, ang tumataas na presyo ng pangunahing bilihin at tulong sa negosyo na pinadapa ng pandemya.
Ayon kay Marcos, makikipagpulong sa susunod na linggo si Benjamin Diokno kay outgoing
Finance Sec. Carlos Dominguez III.
Ito’y upang mailatag ang transition issue sa usapin ng ekonomiya.
Inanunsyo rin ni Marcos Jr. na inalok niya si Cong. Anton Lagdameo na maging Special Assistant to the President.
Ayon pa kay Marcos Jr., inanyayahan din niya sina Cong. Dante Marcoleta at Prof. Clarita Carlos na maging bahagi ng kaniyang gabinete pero wala pa umano silang tugon dito.