Manila, Philippines – Kakausapin ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte si Indonesian President Joko Widodo para pag-usapan ang nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City.
Ayon kay Pangulong Duterte, marami siyang gustong itanong kay Pangulong Widodo dahil marami sa mga foreigners na kasama ng Maute group sa Marawi City ay mga Indonesians.
Matatandaan na kinumpirma na ng mga otoridad na may mga banyaga na napatay sa bakbakan sa Marawi City, bukod sa mga Indonesian ay napatay din ang ilang Saudi Arabians, Yemeni at Chenchen nationals.
Hindi parin naman naglalabas ng impormasyon ang Malacanang kung nakausap na ni Pangulong Duterte ang Indonesian President.
Samantala, hindi parin naglalabas ng pahayag ang Palasyo ng Malacanang sa napabalitang pagatake ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa Pigcawayan North Cotabato.
President Joko Widodo ng Indonesia, tatawagan ni Pangulong Duterte
Facebook Comments