Nagpapasalamat ang Palasyo ng Malakanyang sa patuloy na tiwala na ibinibigay ng publiko kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Base sa latest Social Weather Stations (SWS) survey +52 ang net satisfaction ratings ang nakuha ni Pangulong Duterte 9 na buwan bago ito tuluyang bumaba sa pwesto.
Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, normal lamang sa isang presidenteng patapos na ang termino na bumaba ang net satisfaction ratings pero kay PRRD nananatili pa rin itong mataas.
Aniya Roque bagama’t bumaba ng sampung puntos ay mai-kokonsidera pa rin itong mataas kumpara sa nagdaang mga pangulo.
Base pa sa survey si dating Pangulong Benigno Aquino III, ay nakakuha ng +41 9 na bwan bago siya bumaba sa pwesto habang si dating Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo, ay -38 ang nakuha sa ratings.
Si dating Pangulong Joseph Estrada naman ay hindi natapos ang termino dahil na impeached habang si dating Pangulong Fidel Ramos, ay +35 ang nakuhang satisfaction ratings at si dating Pangulong Corazon Aquino, ay nasa +10 ang nakuhang satisfaction ratings ilang buwan bago ito bumaba sa pwesto.