President Rodrigo Duterte, nilagdaan na ang batas na magtataas ng parusa sa perjury

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magtataas ng parusa sa perjury o pagbibigay, pagbibigay ng false testimony, o pagsisinungaling, matapos sumumpa ang isang indibidwal na magsasabi ng katotohanan.

Sa ilalim ng Republic Act 11594, ang mga mapapatunayang nagkasala ay pagmumultahin ng hindi hihigit sa isang milyong piso.

Hindi na rin maaaring magkaroon ng anumang pwesto sa gobyerno, appointive o elective man.


Magiging epektibo ang batas ika-15 araw makaraan itong mailathala sa mga pahayagan.

Pirmado ng pangulo ang batas noong ika-29 ng Oktubre, 2021.

Facebook Comments