
Kasalukuyang nakakulong sa temporary jail ng Pasig City Police Station (Pasig CPS) ang presidente at authorized managing officer ng St. Timothy Construction na si Roma Rimando.
Sinilbihan ng warrant of arrest si Rimando kagabi kaugnay ng mga kasong malversation of public funds at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Agad siyang sumailalim sa medical examination at iba pang kaukulang proseso bago ibalik sa kulungan.
Isa si Rimando sa mga sangkot umano sa ₱96.5-milyong ghost project sa Davao Occidental.
Ayon kay Pasig CPS Chief of Police PCol. Hendrix Mangaldan, una nang nag-voluntary surrender si Rimando sa Pasig CPS noong December 8, kasama ang kanyang abogado na si Atty. Cornelio Samaniego III.
Mananatili si Rimando sa temporary jail ng Pasig CPS habang hinihintay ang commitment order bago ilipat ang akusado sa Cebu.









