Inaasahang iimbitahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang presidente at prime minister ng Singapore na bumisita sa Pilipinas.
Ayon kay Pangulong Marcos, isang pagkakataon ang nakatakdang pulong kay President Tharman Shanmugaratnam at Prime Minister Lawrence Wong para mas palakasin pa ang ugnayan at partnership ng Pilipinas at Singapore.
Malaking tulong aniya itong mas palakasin pa ang relasyon ng dalawang bansa lalo’t kapapalit lamang ng liderato ng Singapore.
Nabatid na parehong business powerhouse ang dalawang bansa kung kaya’t target ng pangulo na makahikayat ng mga investment mula rito.
Umaasa rin ang pangulo na makapag-uuwi ito ng magandang balita para sa mga Pilipino mula sa kanyang state visit at working visit sa Brunei at Singapore.
Facebook Comments