Presidente Duterte bisita sa 3rd Inaul Festival

10

Opisyal ng nagsimula ang 3rd Inaul Festival sa lalawigan ng Maguindanao ngayong araw .
Tampok ngayong umaga ang Festival Parade, pagbubukas ng Inaul Expo at Exhibit, may gagawin ring Jobs Fair, habang mamayang hapon ay masasaksihan ang Drum and Lyre Exhibition, Sagayan Competition at papasayahin naman ng bandang December Avenue ang mga taga Maguindanao mamayang gabi.
Gagawin ang mga aktibidad sa Provincial Capitol ayon pa kay Nur-Eeman Aljani, Chief of Staff ni Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu sa panayam ng DXMY .

Bukod sa mga nasabing aktibidad, kaliwat kanang mga activities pa ang nakatakdang gagawing sa loob ng weeklong celebration, inaasahang pasasayahin pa ang Inaul Festival ng mga bandang Kamikazee , Bamboo at ng actress na si Yassi Pressman.
Samantala sa Feb. 11, inaasahang magiging bisita ng okasyon si Presidente Rody Duterte .

Facebook Comments