Presidente Duterte nangako ng 20 bilyon pesos na pondo para sa rehabilitasyon sa lungsod ng Marawi

62

ILIGAN CITY- Nangako ng 20 bilyon pesos na pundo si Presidente Rodrigo Duterte para sa rehabilitasyon sa lungsod ng Marawi.
Sinabi ng pangulo na pagandahin niya ulit ang lungsod ng marawi sa kabila ng nangyayaring kagulohan sa lugar.
Uunahin aniya nito ang mga mahihirap na prayoridad niyang maitayo kung saan sila ang mas naging kawawang biktima sa kagulohang nangyayari sa lungsod.
Dagdag pa nang pangulo na hindi-hindi na niya pababayaan ang mga naging biktima ng kagulohan hanggat hindi sila nakabalik na normal sa kani-kanilang mga lugar.
Galit si Presidente Duterte sa gropong maute kung saan nagbigay ito ng malaking problema sa mga residente ng marawi at karatig lugar sa Mindanao lalong-lalo na sa iligan city, lanao del norte, Cagayan de oro at marami pang iba.(GHINER L. CABANDAY, RMN-DXIC ILIGAN)

| | Virus-free. www.avast.com |

Facebook Comments