Sa kabila ng mga serye ng pagsabog nitong araw ng Linggo sa Cotanato City, North Cotabato at Maguindanao ay tumuloy pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa pangunguna at pamamahagi ng mga titulo ng lupa para sa mga benepisyaryo ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa BARMM.
Ang pamamahagi ng certificate of land ownership sa mga magsasaka ay isinagawa sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex sa BARMM compound sa Cotabato City.
Abot sa 815 na land titles ang ipinamahagi ng pangulo sa mga magsasaka sa BARMM na saklaw ang mahigit sa 2, 000 na ektarya ng lupain sa Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, SUlu at Tawi-Tawi.
Hinikayat naman ng presidente ang mga benipisyaryo na pagyamanin ang kanilang mga lupa at huwag ipagbili.
Present rin sa aktibidad sina BARMM Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim, Al-Haj, DAR National Secretary Atty. John R. Castriciones, at MAFAR Minister Dr Mohammad S. Yacob.
Bisita rin sa okasyon si Senador Bong Go, OPAPP Secretary , MINDA Chairman at Couple Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu ng Maguindanao at Sultan Kudarat Governor Teng Mangudadatu.
Pic : Salembai Abdullah / Mafar BARMM
Presidente Duterte nanguna sa pamamahagi ng CLOA sa BARMM
Facebook Comments