May imbitasyon si French President Emmanuel Macron kay Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) na magsagawa ng state visit sa kanilang bansa.
Ginawa ni President Macron ang imbitasyon sa pangulo sa kanyang ginawang Congratulatory letter kahapon para sa ika-125 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.
Sa sulat binigyang diin ni President Macron ang makabuluhang relasyon at kooperasyon ng Pilipinas at France.
Kaya hiling ni President Macron na sana ay maka-host siya ng state visit ni Pangulong Marcos Jr., kanilang bansa.
Sa ngayon, wala pang pahayag ang Malakanyang sa imbitasyong ito.
Facebook Comments