Presidente ng Homeowners Association at Barangay Chairman, nahaharap sa kasong child abuse

Inireklamo sa DILG dahil sa asuntong child abuse sina Barangay Chairman Sonny Angeles ng Barangay Saog, Marilao, Bulacan at Aristotle Cruz, na nagsisilbing presidente ng homeowners association ng Villa Roma III Subdivision sa nasabing lungsod.

Sina Angeles at Cruz ang sinasabing nag-udyok sa iba pang mga opisyal ng homeowners association ng Villa Roma III na sumugod sa bahay ng isang Manuel Marinay sa nasabing subdivision.

Nagpunta ang grupo sa bahay ni Marinay bandang alas-8 ng gabi noong Abril 17 para daw pilitin ito na palayasin ang dalawang menor de edad sa ilalim ng kanyang pangangalaga, ang kanyang 17 taong gulang na pamangkin at 15 taong gulang na apo.


Sinabi nina Angeles at Cruz kay Marinay na ang dalawang bata ay dapat umalis sa subdivision dahil hindi sila nakalista bilang mga opisyal na miyembro ng kanyang tahanan.

Si Marinay ay nagsisilbing guardian ng dalawang kabataan na naninirahan na sa kanyang bahay bago pa man ipatupad ang Luzon lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments