Presidentiable aspirant Senator Panfilo “Ping” Lacson, nagbabala sa mga batang henerasyon sa pagpili ng maling pagboto sa huwad na lider

Binabalaan ni Partido Reporma chairman at standard-bearer Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang mga bagong henerasyon sa pagpili ng maling lider at kung patuloy na iboboto ng mga Pilipino ang maling kandidato, ngayon pa lamang aniya ay dapat na sila’y humingi ng tawad sa kanilang mga anak at susunod na henerasyon na papasan sa epekto ng kanilang maling desisyon dahil sa mga polisiyang gagawin ng huwad na lider.

Ito ang babala ni Lacson kasabay ng kanyang pakiusap sa taumbayan na maging maingat sa pagpili ng susunod na maging presidente, bise presidente, mga senador at iba pang mga mamumuno sa bansa.

Ayon kay Senator Lacson, dapat umanong isipin natin ang kinabukasan ng ating mga anak, isipin din ang kinabukasan ng susunod na henerasyon at huwag umanong isipin ang sarili natin kung saan dapat aniyang alalahanin ang kinabukasan ng ating mga anak, ang magiging anak ng ating mga anak, ang susunod na henerasyon.


Obserbasyon pa ni Lacson, kung minsan ay ikinahihiya na ng mga Pilipino na makilala sila sa ibang bansa at kung magbabatian sa eroplano pabalik sa Pilipinas ay “back to reality” ang nasasambit, bagay na madalas mangyari sa presidential bet ng Partido Reporma at sa mga kaibigan niya.

Layunin ng tambalang Lacson-Sotto na “Ayusin ang Gobyerno, Ayusin ang Buhay ng Bawat Pilipino” at “Ubusin ang Magnanakaw” sa kanilang magiging administrasyon kung magwawagi sa darating na halalan.

Facebook Comments