Nagpaliwanag si Presidential adviser for Poverty Alleviation sec. Larry Gadon hinggil sa pahayag na haka-haka lang ang paniniwala na mahirap ang buhay sa bansa.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Gadon na na-misinterpret lang siya ng ilang mamamahayag dahil wala naman siyang sinabi na tuluyan nang walang naghihirap sa bansa.
Aniya, ang tanging sinabi lang niya ay nabawasan na ng malaki ang porsyento ng naghihirap sa pilipinas.
Pagdating naman sa pahayag na haka-haka lang ang paniniwala na mahirap ang buhay sa bansa, nilinaw nito na kaya niya nasabi ito dahil sa pagpapakita ng kakayahan ng mga pinoy na gumastos.
Kasabay nito, sinabi ni Gadon na sa opisyal na survey lang sila nagbabantay at ayon ay ang survey ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa resulta kasi ng survey ng Social Weather Station noong Marso, tumaas ng 14.2 percent ang bilang ng mga nagugutom sa bansa sa unang kwarter ng taon.