Presidential Adviser On Peace Process, Tiniyak Na Nananatiling Tapat Ang Gobyerno Sa Pangako Nitong Palalayain Ang Lahat

3

MANILA – Iginiit ni Government Chief Peace Negotiator at Labor secretary Silvestre Bello na hindi dapat maging kondisyon ang pagpapalaya sa mga political prisoner pagdating sa pagkakaroon ng kapayapaan.Ito ang sinabi ni Bello kasunod ng pahayag ng CPP-NPA-NDF na babawiin nila ang kanilang unilateral ceasefire sa gobyerno kapag hindi mapapalaya ang lahat ng political prisoners.Ayon pa kay Bello, nananatiling tapat ang gobyerno sa pangako nitong palalayain ang mga kababaihan, matatanda at mga may sakit na political prisoners.Una na ring ipinaliwanag ng gobyerno na nasa kamay na ng hudikatura ang pagpapasya sa paglaya ng iba pang political prisoners.

Facebook Comments