Manila, Philippines – Sa tingin ni Senator Panfilo Ping Lacson, makakatulong sa Office of the Ombudsman ang nilikha ni Pangulong Rodrigo Duterte na Presidential Anti-Corruption Commission.
Paliwanag ni Lacson, ang kumisyon ang tutugon sa pangangailangan ng Ombudsman na magkaroon ng law enforcement arm na bubuo ng mga kaso, magsasagawa ng entrapment operations, at magsisilbi ng search warrants.
Dagdag pa ni Lacson, wala namang prosecutorial powers ang binuong komisyon kaya kailangan nitong isumite sa Office of the Ombudsman ang lahat ng iimbestigahan nitong kaso ng korapsyon.
Sabi ni Lacson, bumabalangkas sya ng panukala na mag-aamyenda sa ombudsman law para magkaroon ito ng sariling law enforcement arm.
Naniniwala si Lacson na dahil sa nilagdaang executive order number 4 ni Pangulong Duterte ay hindi niya kailangan pang ituloy ang nabanggit na panukala.
Bunsod nito ay intresado si Lacson na malaman kung paano magtatrabaho ng magkatuwag ang Ombusman at ang Presidential Anti-Corruption Commission.