Hinamon ni House Assistant Minority Leader at Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na sibakin sa pwesto si Presidential Anti-Poverty Czar Atty. Larry Gadon.
Hirit pa ni Castro, dapat i-disbar din si Larry Gadon dahil sa insensitive at anti-poor na pahayag nito na haka-haka o imahinasyon lamang ang kahirapan ng Pilipinas.
Giit ni Castro, incompetent o walang kakayahan at walang track record sa poverty allegation si Gadon at nabigyan lamang umano ng pwesto sa gobyerno dahil sa pagiging Marcos loyalist.
Ayon kay Castro, patunay ng kahirapan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo na ramdam na ramdam ng mahihirap dahil sa taas singil sa kuryente, tubig, at pagkain.
Palala pa ni Castro kay Gadon, ang mga minamaliit nitong mga mahihirap na Pilipino ay ang nagpapasahod sa kanya sa gobyerno.