Pinagsusumite ng requirements ng Malacañang ang lahat ng Presidential appointees para manatili sa pwesto.
Kabilang dito ang Heads Departments, Agencies, Offices and Instrumentalities, Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs), Government Financial Institutions (GFis), at State Universities and Colleges (SUCs).
Sa memorandum na ibinaba ng Presidential Management Staff alinsunod sa direktiba ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ang lahat ng itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bago ang February 1, 2023 ay inaatasan na magsumite ng kanilang updated na Personal Data Sheet.
Nilinaw naman ng Palasyo na ang memo ay para sa lahat, at hindi limitado sa mga naitalaga sa pwesto sa ilalim ng Duterte administration.
Ayon sa PCO, ang direktibang ito ay bilang bahagi ng performance review ng Presidential appointees at upang matiyak ang magandang kwalipikasyon ng mga ito na manatili sa pwesto.