Tiniyak ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong” Marcos Jr., na ang kaniyang diplomatic policy ay hindi para sa interes ng ibang bansa o alinmang superpower nation.
Ayon kay BBM, isusulong nila kapakanan ng Pilipinas at ng mga mamamayan.
Maglilingkod aniya siya sa Pilipinas at hindi para sa alinmang bansa.
Giit pa ni Marcos, nauunawaan niya na mayroong sigalot sa pagitan ng China dahil sa West Philippine Sea pero tinitiyak niyang anuman ang magiging desisyon niya ay siguradong para sa kapakanan ng bawat Pilipino.
Tinukoy rin ni Marcos ang kahalagahan ng pagtatalaga ng isang mahusay na kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) na siguradong nauunawaan at tiyak na makatutulong para sa mas maayos nating relasyon sa ibang mga bansa.
Facebook Comments