Presidential aspirant Bongbong Marcos, tinawag na sinungaling at scammer ng isang kongresista

Tinawag ni Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sinungaling at scammer matapos na hindi makadalo sa Zoom hearing ng Commission on Elections (COMELEC) kaugnay sa disqualification petitions laban sa kanya.

Kinukwestyon ni Brosas ang hindi pagharap ni Marcos sa hearing ng kaso nito gayong ginawa ito via Zoom at hindi naman personal o physical ang pagharap nito.

Maliban dito ay hindi rin nakapagsumite agad ng medical certificate si Marcos kaya duda ang kongresista sa tunay na dahilan ng pagliban nito sa hearing.


Pasaring pa ng mambabatas na “Zoomicron yan?” o paano makakahawa ang COVID-19 sa Zoom.

Dahil dito, tahasang sinabi ni Brosas na dahil sa hindi pagharap sa hearing ng presidentiable ay pwedeng ito ay sinungaling o scammer o kaya naman ay pareho sa mga nabanggit.

Napakarami rin aniyang oras at resources ni Marcos para maghanda pero tila wala itong solidong depensa kaya mas pinili na lamang na biglang magkasakit.

Facebook Comments