Presidential aspirant Bongbong Marcos, walang planong ilabas sa publiko ang kanyang SALN sakaling manalo sa pagkapangulo

Walang plano si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na ilabas ang kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) sa publiko kung sakaling manalong pangulo ng bansa.

Ayon kay Marcos, naniniwala siyang may karapatan ang mga opisyal ng gobyerno ng proteksyon sa usapin ng yaman para hindi magamit na armas ng kaniyang mga kalaban sa politika.

Aniya, kung talagang may problema o reklamo ay dapat itong idaan sa mga awtoridad.


Nauna nang ipinatupad ni Ombudsman Samuel Martires ang restriksyon sa public access ng gobyerno sa SALN ng mga opisyal.

Facebook Comments