Isinalaysay ni partido Reporma presidential aspirant Panfilo Lacson ang kanilang naging karanasan at nasaksihan sa kanilang pagdalaw sa pag-asa island kanina maging sila at ang tropa ng Philippine Coast Guard ay nakaranas ng pagtataboy ng mga barko ng China.
May nakita rin aniya silang banner na nakalagay ang mga katagang “Welcome to China” gayung malinaw aniya na nasa exclusive economic zone ito ng pilipinas.
Iginiit din ni Lacson na dapat seryosohin ng pamahalaan ang pagbabantay nito sa mga karagatan ng pilipinas na inaangkin ng China aniya, hindi sapat ang paghahain lamang ng Dept of Foreign Affairs (DFA) ng diplomatic protest at note verbale laban sa China.
Bunga nito, inirekomenda ni Lacson ang pag-imbita ng foreign scientist para gumawa ng marine research lalo at batid natin na nais ng tsina na sirain ang coral reefs sa karagatang sakop ng pilipinas.
Pagtungo ni Lacson sa pag-asa island, kinonsulta nito ang mga residente doon at mga mangingisda na apektado ng tensyon sa WPS.
Ang hakbang ni Lacson ay bahagi sa ginagawa nitong pag-aaral kung paano masosolusyunan ang problema sa WPS.