Presidential aspirant Senador Panfilo Lacson, hindi magdeklara ng Martial Law sakaling manalo sa 2022 national elections

Sineseguro ni Partido Reporma chairman at presidential candidate Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson, na hinding-hindi siya magdedeklara ng Martial Law at tinitiyak niya na mananatili ang demokrasya sa bansa sa ilalim ng kanyang administrasyon kung siya ang magiging susunod na pangulo.

Ito ang ginawang pagtitiyak ni Lacson sa isinagawang campaign rally sa Mawab, Davao de Oro noong Sabado kung saan nanindigan ang Senador na walang Martial Law at walang dictatorship sa kanyang administrasyon sakali umanong palarin na maging Presidente ng bansa.

Paliwanag ni Lacson, malinaw umano sa Konstitusyon ang kahulugan ng Martial Law at mga Probisyon na nakapaloob dito sakaling kailangang ipatupad sa bansa, para magkaroon ng klarong mga pamantayan at restriksyon na sisigurong hindi ito maabuso ng mga otoridad.


Una nang iginiit ng kampo ni Lacson, na hindi mauulit ang Martial Law sa kanyang pamumuno, salungat sa akusasyon ng kanyang mga kritiko na inililigaw ang mga Pilipino sa naging partisipasyon niya rito bilang dating intelligence officer ng gobyerno.

Facebook Comments