Nagtiyagang nag-antay ang mga fans ng Lacson-Sotto tandem sa Cathedral kung saan bago kumustuhin ang mga residente sa Baguio City, ay una munang pinuntahan nina presidential aspirant Senasor Panfilo “Ping” Lacson at vice presidential aspirant Senate President Vicente Tito Sotto III ang Our Lady of Atonement Cathedral upang humingi ng basbas at manalangin para gabayan ang lahat ng kanyang mga gagawing aktibidad ngayong araw.
Pagkatapos magdasal ay maglalakad sa Session Road, at Berham Park sina Lacson at Sotto upang alamin at pakinggan ang mga hinaing at pangangailan ng mga residente ng Baguio City.
Nangako sina Lacson-Sotto tandem na mareresolba ang mga idinudulog na problema at pangangailangan ng mga residente sakaling silay papalarin na maging pangulo ng bansa.
Samantala, nilinaw ni Baguio City Mayor Benjie Magalong na ang pagtaas nito ng kamay kay Senador Kiko Pangilinan ay hindi nangangahulugan na sinusuportahan nito sa kanyang kandidatura.
Paliwanag ni Magalong Solido ang kanyang suporta sa Lacson-Sotto tandem at hindi na umano ito magbabago pa dahil sa kanyang tiwala at respeto sa naturng mga Senador.