Presidential aspirant Senador Ping Lacson, nagpahayag ng pagdududa sa survey results

Nagpahayag ng kaniyang sentimiyento o pagdududa si presidential aspirant Senador Panfilo “Ping” Lacson sa survey result ng Pulse Asia na 4% lamang siya at 2% lamang din sa National Capital Region.

Ayon kay Lacson, hindi siya naniniwala na ganoon kababa ang resulta ng kaniyang survey dahil may pakiramdam naman siya kapag nasa labas siya sa mga ginagawang pag-iikot o pangangampanya.

Matatandaan na kumasa si Senador Panfilo Lacson sa hamon na interview kay Alaric Riam Yuson o kilalang si Anygma na isang sikat na YouTuber kung saan inulan ng suporta mula sa viewers si Lacson.


Maging ang mga sikat na YouTubers tulad nila Whamus Cruz o kilalang si Lamok at iba pang bloggers at rappers ay inendorso na rin ang Lacson -Sotto tandem sa isang event sa San Fernando, Pampanga kung saan maging ang followers nila ay nagpakita na rin ng suporta kina Lacson at Sotto.

Ito ang mga basehan ni Lacson kung bakit may pagdududa siya sa latest Pulse Asia Survey na 4% lamang siya at 2% naman sa NCR.

Facebook Comments