Presidential bid ni Lacson, suportado ng Calabarzon transport groups

Si Partido Reporma standard bearer Senator Panfilo Lacson habang nakikinig sa mga hinaing ng mga miyembro ng FEJODAP - Calabarzon na matinding tinamaan ng pandemya at hindi nabibigyan ng atensyon ng gobyerno.

“Mr. Clean, Mr. Action Man!”

Ito ang paglalarawan ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) – Calabarzon kay Partido Reporma standard bearer Panfilo Lacson.

Ayon kay Aldabest Arnaiz, Presidente ng Samahang People’s Will na kaalyado ng FEJODAP, si Lascon ang nag-iisang hindi tumanggap ng pork barrel.


Aniya, si Lacson ang tugon sa lahat ng problema sa sektor ng transportasyon at maging ng ibang bahagi ng lipunan dahil siya ang bumuwag sa sindikato at kriminalidad.

Iginiit naman ni FEJODAP President Solano Roxas na si Lacson lamang ang kandidato sa pagkapangulo na may paninindigan.

Una nang pinulong ni Lacson ang FEJODAP para malaman ang kanilang saloobin sa mga programang ipinapatupad ng pamahalaan sa sektor ng transportasyon sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments