Presidential candidate at Senador Panfilo Lacson, muling pinag-aaral ng GMRC si vice presidential candidate Cong. Lito Atienza

Pinayuhan ni presidential candidate at Senador Panfilo “Ping” Lacson na dapat na muling bumalik si vice presidential candidate Cong. Lito Atienza sa elementarya at mag-aral ng Good Manners and Right Conduct (GMRC).

Ito ang naging reaksyon ni Lacson matapos siyang tanungin ng media sa isinagawang ambush interview sa municipal gym sa Bayan ng Kalawit, Zamboanga del Norte na pinaaatras aniya siya ni Atienza at maging vice president ni Manny Pacquiao ang kanyang ka-tandem na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Ayon kay Lacson, mas mabuti na bumalik na lamang si Atienza sa elementarya at mag-aral ng GMRC na mismong si Lacson ang may akda sa Senado.


Paliwanag ni Lacson na kaya niya ipinabalik sa elementary ang GMRC para muling mabuhay ang values ng mga Pilipino na matagal nawala.

Dagdag pa ni Lacson, sino si Atienza para pag-atrasin siya sa pagtakbo sa pagkapangulo.

Binigyang diin pa ni Lacson na kabastusan at tila pang-iinsulto ang pahayag ni Atienza na umatras siya sa pagtakbo sa pagkapangulo sa halalan.

Facebook Comments