Presidential candidate at Senador Panfilo Lacson, umaasang i-endorso ng alkalde ng Quezon City

Malaki ang tiwala ni presidential candidate at Senador Panfilo “Ping” Lacson na i-eendorso siya ni Quezon City Mayor Joy Belmonte matapos na i-endorso kahapon ang kanyang running mate na si vice presidential at Senate President Vicente “Tito” Sotto III bilang pangalawang pangulo sa darating na eleksyon.

Ayon kay Lacson, ang pag-eendorso ng isang alkalde umano ay maganda lalong-lalo na kung ang mag i-endorso ay mula sa credible local leaders gaya ni Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto.

Paliwanag pa ni Lacson, kung bibigyan ng pagkakataon na siya ay i-endorso ni Belmonte buong puso umano niya itong tatanggapin at kapag hindi naman ay dederekta siya sa mga mamamayan ng Quezon City.


Ikinuwento pa ni Lacson na noong nakaraang halalan kung saan tatlong beses siyang tumakbo bilang Senador ay maganda umano ang ibinigay na boto na numero ng mga residente ng Quezon City.

Umaasa pa rin si Lacson na mananatiling kaparehong na bilang na boto ang ibibigay na suporta ng mga mamamayan ng lungsod ng Quezon sa beteranong senador.

Facebook Comments