Presidential candidate at Senator Ping Lacson, nangakong hindi iiwanan ang kanyang mga tagasuporta anuman ang mangyari

Nanindigan si presidential candidate at Senator Panfilo “Ping” Lacson na hindi nila iiwan ni vice presidential candidate at Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang kanilang mga tagasuporta hanggang sa kahuli-hulihan ng araw ng halalan.

Ang pahayag ay ginawa ni Lacson matapos na iwanan siya sa ere ng Partido Reporma na naging dahilan para siya ay magbitiw bilang chairman sa naturang partido.

Paliwanag ni Lacson, sinamahan siya sa laban ng kanyang mga tagasuporta kung kaya’t anuman ang mangyari aniya ay hindi niya sila iiwan at tuloy pa rin ang laban gaya ng isang mandirigma kahit siya’y independent, walang atrasan at tatakbo pa rin siya bilang pangulo ng bansa.


Una rito, nagbitiw si Lacson bilang chairman ng Partido Reporma makaraang iendorso ng partido si vice president at presidential candidate Leni Robredo.

Umaasa pa rin si Lacson na mababago ang pananaw ng mga Pilipino sa pagtingin sa mga tumatakbong pangulo ng bansa.

Facebook Comments