Nasa Bailiwick, Ilocos Norte ngayon si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ito ay para makasama ang kanyang pamilya habang ginugunita ng bansa ang ika-36 na taong EDSA revolution kung saan pinatalsik ang kanyang ama sa Malacañang noong taong 1986.
Ayon kay Victor Rodriguez, ang abogado ni BBM bukod sa pakikipagkita sa kanyang pamilya sa Ilocos Norte ay may schedule itong mangampanya ngayong araw sa La Union ang isa lugar sa Ilocos Region na maraming supporters ang mga Marcos.
Mensahe naman daw ni BBM sa mga Pilipino ngayong EDSA anniversary ay tigilan na ang galit sa halip uulitin niya raw ang kanyang palaging sinasabi na ayos lang na hindi sumang-ayon pero dapat ay magpakatao.
Samantala, umaasa naman si BBM na ieendorso siya mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagkapangulo sa May 9 elections.
Dahil naniniwala si BBM na nanatiling popular si President Duterte sa mga Pilipino kahit pa ilang buwan na lang ay baba na ito sa pwesto.
Para kay BBM, mahalaga na makuha ang suporta ng kasalukuyang presidente.
Pero una nang sinabi ni Pangulong Duterte na hindi siya susuporta sa kahit na sinong presidential candidate.