Sa huling Presidential Debate na isinagawa sa Phinma University of Pangasinan kahapon, inilarawan ng limang Presidential Aspirants ang posibleng maging kalagayan ng Pilipinas sa taong 2022 kasunod ng pagtatapos ng kanilang termino bilang Pangulo.Sabi ni Sen. Miriam Defensor-Santiago, malamang ay mas maayos na ang justice system sa bansa kung saan hindi na pwedeng masuhulan ang mga mahistrado sa hudikatura.MANILA – Tiniyak din ni Santiago ang mas modernong irigasyon para sa mga magsasaka sa bansa.Nakatitiyak naman si Davao City Mayor Rodrigo Duterte, na alam na lahat ng mga pilipino ang kanyang ugali at ang istilo nito sa pagsasalita pero muli naman nitong siniguro sa taumbayan na mas magiging maayos ay mapayapa ang pilipinas sa oras na matapos ang kanyang termino.Mas maunlad na Pilipinas at mas angat na antas ng pamumuhay ng mga Pilipino naman daw ang iiwang pamana ni Vice president Jejomar Binay sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2022.Mas maraming permanenteng trabaho naman para sa mga Pilipino ang nakikitang produkto ni Sen. Grace Poe sa kanyang pamumuno bilang pangulo ng bansa.Sabi naman ni Liberal Party Bet Mar Roxas, sa pag-alis niya sa puwesto sa 2022, isang disente at maunlad na Pilipinas ang sasalubong sa bagong henerasyon.
Presidential Candidate – Inilarawan Ang Posibleng Maging Kalagayan Ng Pilipinas Sa Taong 2022 Kasunod Ng Pagtatapos Ng K
Facebook Comments