Presidential candidate Leni Robredo, panalo sa mga Katoliko

Batay sa bagong survey ng Radyo Veritas sa mga kandidato sa pagkapangulo, panalo si Vice President Leni Robredo sa hanay ng mga Katoliko sa darating na halalan sa Mayo 9 dahil sa kanyang mga katangian bilang “servant leader.”

Ang survey, na tinawag na “Veritas Truth Survey”, ay ginawa mula Abril 1 hanggang 30 na may 2,400 respondents mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa at may margin of error na plus-minus 3%.

Nasa 48% ng respondents ang pinili si Robredo nang tanungin kung sino ang kanilang iboboto bilang pangulo batay sa kanilang paniniwala bilang Katoliko.


Malayo kumpara kay Ferdinand “Bongbong Marcos Jr., na may 38%, may tig-5% sina Senador Ping Lacson at Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso habang may 2% naman si Senador Manny Pacquiao.

Patok si Robredo sa mga botanteng edad 18-20, 21-39 at 61 anyos pataas, ayon kay Bro. Clifford T. Sorita, pinuno ng Veritas Truth Survey.

Nakakuha ang Bise Presidente ng 42% sa 18 hanggang 20 anyos, 51% sa 21 hanggang 39 anyos, at 77% mula sa mga botante na edad 61 anyos pataas.

Naging basehan ng mga bomoto ang kanilang paniniwala bilang katoliko.

Iginiit ni Fr. Pascual na iba ang “servant leadership” dahil ibinabahagi nito ang kapangyarihan, inuuna ang pangangailangan ng iba at tinutulungan ang mga tao na umunlad.

Facebook Comments