Napanatili ni Partido Reporma Chairman at standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson ang kanyang pwesto sa pagkapangulo sa pre-election survey ng independent commissioned opinion poll sa 2022.
Batay sa survey na isinagawa noong November 6 hanggang 12 sa higit 6,000 participant, pumangalawa si Lacson sa mga rehiyon ng Metro Manila, Northern Luzon, Central Luzon, at Southern Tagalog.
Habang nanguna naman ito sa Negros Oriental na may 46% na boto at sa Cebu na may 64% na boto kung saan naungusan niya si dating Senador Bongbong Marcos.
Kaugnay nito, napanatili rin ng running mate ni Lacson na si Senate President Tito Sotto III ng National People’s Coalition ang unang pwesto sa pagka-bise presidente sa nasabing survey.
Nakakuha ito ng 66% na boto sa Metro Manila at Southern Tagalog; 59% sa Central Visayas; at 72% sa Northern at Central Luzon.
Samantala, tiniyak ni Lacson na mas tututukan niya ang pagbibigay solusyon sa mga problema at isyung kinahaharap ng bansa.