Presidential candidate Sen. Panfilo “Ping” Lacson at running mate nito na si Vice-Presidential candidate Senate President Vicente “Tito” Sotto III, dumaan sa regular health and safety protocols

Naniniwala sina Partido Reporma standard-bearer Senator Panfilo “Ping” Lacson at kaniyang running mate na si Senate President Vicente “Tito” Sotto na isumite nila ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagsunod sa regular health and safety protocols nang sila ay dumating noong Huwebes ng gabi sa Baguio City.

Sa ginanap na press briefing sa nasabing lugar, sinabi nina Lacson-Sotto tandem na walang problema sa kanila dahil dumaan sila sa checkpoints at triage procedures na ipinatutupad ng local government ng Baguio upang i-screen ang lahat ng mga guest bilang polisiya dulot ng COVID-19 pandemic.

Paliwanag ni Lacson, kahit malapit sa kaniya at naging tauhan niya si Baguio City Mayor Benjamin Magalong ay walang special treatment para sa beteranong senador.


Giit ni Lacson, sa halip na magreklamo sa mahigpit na mga pumapasok na guest screening protocols sa Baguio City ay pinapurihan nito si Mayor Magalong sa pagiging masunurin at tapat sa kanilang tungkulin kung saan natutuhan nila sa Philippine Military Academy ang “leadership by example” doctrine.

Facebook Comments