Presidential candidate Sen. Panfilo “Ping” Lacson, tutol sa 24 oras na operasyon ng e-sabong

Mariing tinututulan ni presidential candiate at Senador Panfilo “Ping” Lacson ang operasyon ng e-sabong na 24 oras dahil hindi namo-monitor ng gobyerno ang naturang operasyon.

Ayon kay Lacson, ang mungkahi niya ay dapat umanong maghigpit na lang mabuti ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa operasyon nito kung ayaw isuspinde.

Paliwanag pa ni Lacson, dapat offsite na lang ang operasyon ng e-sabong dahil kung online, hindi umano ito masyadong natututukan o namo-monitor ng PAGCOR kaya’t nararapat lamang na mahigpit ang regulatory authority dahil kapag online walang kontrol at walang naka-monitor kasi diretso sa GCash o PayMaya ang taya.


Matatandaan na nauna nang inihayag ni Pangulong Duterte na hindi siya pabor na suspindihin ang operasyon ng online cockfighting dahil sa bilyong pisong kinikita ng gobyermo mula rito.

Facebook Comments