Presidential candidate Sen. Ping Lacson, nagbitiw na bilang chairman ng Partido Demokratikong Reporma

Inihayag ngayon ni presidential candidate Sen. Panfilo Ping Lacson na opisyal na siyang nagbitiw bilang chairman and member ng Partido ng Demokratikong Reporma kung saan epektibo na siyang isang Independent presidential candidate sa darating na May 2022 Elections.

Sa isinagawang press conference sa General Santos sinabi ni Senador Lacson na binanggit sa kanya kahapon ni dating House Speaker at Party President Pantaleon Bebot Alvarez na si Davao del Norte Secretary General Edwin Jubahib ay nagdesisyon na ibang kandidato na sa pagkapangulo ang inendorso.

Ayon kay Lacson bilang opisyal na siya ay nirecruit bilang miyembro at party standard bearer chairman ng naturang partido minarapat niyang magresign nalamang bilang chairman pero nilinaw ni Lacson na nasa dugo niya ang pagiging mandirigma na itutuloy ang laban sa pagkapangulo sa darating na May 9, 2022 elections.


Nilinaw din ni Lacson na wala siyang sama ng loob sa partido maging kina dating House Speaker Alvarez at kay Jubahib.

Binigyan diin pa ni Lacson na gaya aniya sa paulit ulit niyang sinasabi tuloy ang laban sa pagka pangulo ng bansa.

Facebook Comments