Presidential Candidate Senador Ping Lacson, pinatitigil ang tila pambabastos sa kalayaan ng mga botante na pumili ng karapat-dapat na pangulo ng bansa

Nais ni Independent presidential candidate Panfilo ‘Ping’ Lacson na matigil na ang nangyayaring tila pambabastos sa kalayaan ng mga botante na pumili ng nais nilang maging pangulo ng bansa.

Ito ang binigyang-diin ni Lacson sa ginawa niyang paglantad sa publiko hinggil sa pagpilit sa kaniya na umatras sa pagtakbo sa pagka-pangulo ng bansa.

Ayon kay Lacson, hindi niya layuning targetin o siraan ang kahit na sinong kandidato ngayong Halalan kundi nais lamang niya na ipaalam sa publiko na hindi siya aatras sa laban sa pagkapangulo.


Nilinaw rin ni Lacson na ang paglabas nila kahapon ay hindi rin para paatrasin sa laban si Vice President Leni Robredo dahil wala siyang nais na umatras kahit sinong kandidato dahil kalayaan ng mga botante na makapili ng kanilang napupusuang kandidato sa halalan.

Mabuti na rin aniya at kasama niyang lumantad kahapon sa press con na ang ilan pang Presidentiable na kinausap na umatras sa laban para palabasin sa publiko na dalawa lang ang maglalaban sa halalan.

Dagdag pa ni Lacson na ngayong malinaw na sa mga botante na hindi lamang dalawa kundi marami silang maglalaban-laban sa halalan.

Binigyang diin pa ni Lacson na wala silang ibang layunin sa pagsasapubliko ng kanilang mga naranasan mula sa kampo ni Vice President Leni Robredo kundi mabigyan lamang ng kaalaman ang publiko na hindi dalawang kandidato lang ang naglalaban sa darating na eleksyon.

Facebook Comments