Presidential candidate Senador Ping Lacson, tiwalang hindi madedehado sa Norte dahil walang solid North

Malaki ang tiwala ni presidential candidate Senador Panfilo “Ping” Lacson na hindi siya agrabyado pagdating sa botohan sa Mayo 9, partikular sa Norte na sinasabing balwarte ng kaniyang katunggaling si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Lacson, kumpiyansa siya na hindi siya madedehado kung saan historically aniya lahat ng kaniyang pinupuntahang probinsiya ay hindi siya agrabyado partikular na sa Cagayan, Isabela dahil parati umanong malaki ang nakukuha niyang boto.

Paliwanag ni Lacson, sa kaniyang dalawang araw na kampanya sa Cauayan City, Isabela at sa Tuguegarao City sa Cagayan, mainit naman ang pagtanggap sa kanilang dalawa ng kaniyang running mate na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III.


Binigyang diin pa ng Lacson-Sotto tandem na tinitiyak nilang mayroon silang makukumbinsi sa kanilang mga ginagawang pag-iikot sa iba’t ibang probinsiya kung saan mismong ang mga residente na aniya ng Tuguegarao City ang nagsabing wala naman talagang tinatawag na “Solid North”.

Facebook Comments