Umapila si Senator Ping Lacson na pansamantalang suspendihin na ang fuel excise tax sa kabila ng inaasahang pagtataas muli ng presyo ng langis.
Ayon kay Lacson, mapapaluwag nito ang pasanin ng mga motorista at ibang mga sektor na apektado ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at bilihin kung masuspinde fuel excise tax.
Paliwanag pa ni Lacson na kailangan din aniya ng gobyerno na mag-isip ng pangmatalagang solusyon sa krisis na kinakaharap ng bansa kabilang na ang paggamit ng renewable energy.
Panukala ni Lacson na magkaroon ng mekanismo kung saan ang excise tax ay dapat nang suspendihin kapag ang presyo ng krudo base sa MOPS ay lumagpas na sa $90 hanggang $100 kada bariles,pero maaari namang ibalik muli ang pagpataw sa Excise Tax kapag bumaba na muli ang presyo ng krudo.
Dagdag pa ni Lacson, bagama’t bababa ang buwis na makukuha ng gobyerno kapag sinuspinde ang excise tax,mas mahalaga pa rin aniya na masolusyonan ang pasakit na dulot nito sa ordinaryong mamamayan.