Presidential Commission on Good Government, papalitan ng panibagong ahensya

Manila, Philippines – Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nakatakdang pag-abolish sa Presidential Commission on Good Government (PCGG).

Ayon sa pangulo, isang anti-graft body ang kanyang ipapalit sa PCGG na pangunahing tungkulin ay habulin ang mga nakaw na yaman ng pamilya Marcos.

Mayroon na rin aniya siyang napili na isang babaeng kilala sa pagkakaroon ng mataas na integridad bilang pinuno ng itatatag na ahensiya.


Taong 1986 nang buuin ni dating Pangulong Cory Aquino ang PCGG para habulin ang mag ill-gotten wealth ng pamilya Marcos.

Mula sa target na $10 billion, nasa mahigit sa $3 billion pa lamang ang nababawi ng PCGG sa pamilya Marcos at kanilang mga cronies.

Facebook Comments